
Hiling sa Kaarawan.
Lumapit si Isuy sa kanyang Nanay sa may kusina kung saan naghahanda ito ng handang pagkain para sa kanyang kaarawan.
Nanay gusto ko po ng bisekleta sa aking kaarawan.. Alam ng Nanay ni Isuy na medyo may kalokohan ang bata at kung ilang beses na rin siyang naipatawag sa eskwelahan dahil sa kalokohan nito. At tinanong siya ng kanyang Nanay kung talaga bang gusto nya ng regalong bisekleta, mabilis na sumagot si Isuy .. “OPO!”
Oh sige, umakyat ka sa kwarto mo tapos sumulat ka ng isang liham para kay Jesus kung talaga bang karapat dapat kang bigyan ng regalong bisekleta sa kaarawan mo. Umakyat si Isuy at nagsimulang magsulat…
Unag liham;
Dear Jesus,
Sobrang bait ko pong bata at gusto ko po ng bisekleta sa aking kaarawan. Gusto ko po yong pula.
Salamat po,
Isuy
…alam ni Isuy na hindi totoo ang kanyang sinulat, kaya ginusamot nya ito at inulit ang liham.
Pangalawang liham;
Dear Jesus,
Mabait po ako at gusto ko po ng bisekleta sa aking kaarawan. Salamat po.
Isuy
…Pero alam parin ni Isuy na isang kasinungalingan ang kanyang sulat. Ginusamot nya ito at muling nagsulat.
Pangatlong liham;
Dear Jesus,
Magpapakabait na po akong bata kaya bigyan nyo po ako ng bisekleta sa aking kaarawan.
Isuy
…Nag -isip si Isuy, alam nyang malabong mangyari ang kanyang sinulat, ginusamot nya ulit ito at nagpasyang bumaba para magpa-alam sa kanyang Nanay.
Nay’ punta lang po ako ng simbahan.. nagtaka ang Nanay mukhang magbabago na ang anak ko ah..
Lumabas si Isuy ng bahay at naglakad patungong simbahan. Pagdating sa simbahan umakyat siya sa may altar at tumingin sa paligid kung may iba pang tao na nandoon bukod sa kanya. Nang makasigurong nag-iisa. Inabot niya at kinuha ang imahen ng birheng Maria at isinilid nya ito sa harapan ng kanyang damit at dali-daling umuwi ng bahay.
Pagdating ng bahay, diretso kagad si Isuy sa kanyang kwarto at ikinandado ang pinto.
Nagsimula ulit siya ng pagsulat ng liham
Pang-apat na liham;
HESUS,
KINID-NAPPED KO ANG NANAY MO, KUNG GUSTO MO PA SIYANG MAKITA ULIT, BIGYAN MO AKO NG BISEKLETA SA KAARAWAN KO. YONG PULA!!!!!!!