Birthday Wish

Disyembre 17, 2007 by maharot

 

Hiling sa Kaarawan.

Lumapit si Isuy sa kanyang Nanay sa may kusina kung saan naghahanda ito ng handang pagkain para sa kanyang kaarawan.
Nanay gusto ko po ng bisekleta sa aking kaarawan.. Alam ng Nanay ni Isuy na medyo may kalokohan ang bata at kung ilang beses na rin siyang naipatawag sa eskwelahan dahil sa kalokohan nito. At tinanong siya ng kanyang Nanay kung talaga bang gusto nya ng regalong bisekleta, mabilis na sumagot si Isuy .. “OPO!”
Oh sige, umakyat ka sa kwarto mo tapos sumulat ka ng isang liham para kay Jesus kung talaga bang karapat dapat kang bigyan ng regalong bisekleta sa kaarawan mo. Umakyat si Isuy at nagsimulang magsulat…

Unag liham;
Dear Jesus,
Sobrang bait ko pong bata at gusto ko po ng bisekleta sa aking kaarawan. Gusto ko po yong pula.
Salamat po,
Isuy
…alam ni Isuy na hindi totoo ang kanyang sinulat, kaya ginusamot nya ito at inulit ang liham.

Pangalawang liham;
Dear Jesus,
Mabait po ako at gusto ko po ng bisekleta sa aking kaarawan. Salamat po.
Isuy
…Pero alam parin ni Isuy na isang kasinungalingan ang kanyang sulat. Ginusamot nya ito at muling nagsulat.

Pangatlong liham;
Dear Jesus,
Magpapakabait na po akong bata kaya bigyan nyo po ako ng bisekleta sa aking kaarawan.
Isuy

…Nag -isip si Isuy, alam nyang malabong mangyari ang kanyang sinulat, ginusamot nya ulit ito at nagpasyang bumaba para magpa-alam sa kanyang Nanay.

Nay’ punta lang po ako ng simbahan.. nagtaka ang Nanay mukhang magbabago na ang anak ko ah..

Lumabas si Isuy ng bahay at naglakad patungong simbahan. Pagdating sa simbahan umakyat siya sa may altar at tumingin sa paligid kung may iba pang tao na nandoon bukod sa kanya. Nang makasigurong nag-iisa. Inabot niya at kinuha ang imahen ng birheng Maria at isinilid nya ito sa harapan ng kanyang damit at dali-daling umuwi ng bahay.
Pagdating ng bahay, diretso kagad si Isuy sa kanyang kwarto at ikinandado ang pinto.
Nagsimula ulit siya ng pagsulat ng liham

Pang-apat na liham;
HESUS,
KINID-NAPPED KO ANG NANAY MO, KUNG GUSTO MO PA SIYANG MAKITA ULIT, BIGYAN MO AKO NG BISEKLETA SA KAARAWAN KO. YONG PULA!!!!!!!

letter

Disyembre 15, 2007 by maharot

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng “binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin
As ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana …
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

super.. nakakaiyak!

Suicide eh?

Disyembre 14, 2007 by maharot

Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa hungarian song na sinasabing pag narinig mo daw ay may tendency ka daw na magpakamatay. Mahilig sa adventure si Bhevz, kaya naman sinubukan niyang hanapin sa page ni Google ang tungkol dito sa hungarian song na ito. Baka sakaling matuwa ang aking mortal enemies pag nabalitaan nila na ako ay nagkapadedo pagkatapos makinig ng isang awitin. Asa kayo! Hahaha…. Sorry.. Masamang damo lang! Bwahahahaha!!!!!!!!

Ang title ng Song ay Gloomy Sunday.

r e z s ô s e r e s s l y r i c s

Ősz van és peregnek a sárgult levelek
Meghalt a földön az emberi szeretet
Bánatos könnyekkel zokog az öszi szél
Szívem már új tavaszt nem vár és nem remél
Hiába sírok és hiába szenvedek
Szívtelen rosszak és kapzsik az emberek…

Meghalt a szeretet!

Vége a világnak, vége a reménynek
Városok pusztulnak, srapnelek zenélnek
Emberek vérétől piros a tarka rét
Halottak fekszenek az úton szerteszét
Még egyszer elmondom csendben az imámat:
Uram, az emberek gyarlók és hibáznak…

Vége a világnak!

Teka.. teka.. eto ang literal English translation:

It is autumn and the leaves are falling
All love has died on earth
The wind is weeping with sorrowful tears
My heart will never hope for a new spring again
My tears and my sorrows are all in vain
People are heartless, greedy and wicked…

Love has died!

The world has come to its end, hope has ceased to have a meaning
Cities are being wiped out, shrapnel is making music
Meadows are coloured red with human blood
There are dead people on the streets everywhere
I will say another quiet prayer:
People are sinners, Lord, they make mistakes…

The world has ended!

http://www.phespirit.info/gloomysunday/lyrics_seress.htmMarami na daw ang nagpakamatay dahil sa kantang ito.

*Mismong si Rezso Seres ay nag-suicide din!*

At eto naman ang makabagong version…

Sunday is gloomy, my hours are slumberless
Dearest the shadows I live with are numberless
Little white flowers will never awaken you
Not where the black coach of sorrow has taken you
Angels have no thought of ever returning you
Would they be angry if I thought of joining you?

Gloomy Sunday

Gloomy is Sunday, with shadows I spend it all
My heart and I have decided to end it all
Soon there’ll be candles and prayers that are sad I know
Let them not weep let them know that I’m glad to go
Death is no dream for in death I’m caressing you
With the last breath of my soul I’ll be blessing you

Gloomy Sunday

Dreaming, I was only dreaming
I wake and I find you asleep in the deep of my heart, here
Darling, I hope that my dream never haunted you
My heart is telling you how much I wanted you

Gloomy Sunday

Nakakapangilabot yung orig na lyrics. Pero yung makabago, mild kung ikukumpara sa nauna pero depressing pa rin. Sa bandang huli, nasa tao pa rin naman kung paano niya titingnan ang takbo ng kanyang buhay at siya din ang may hawak ng desisyon sa landas na kanyang tatahakin. Sa kantang ito, marahil masyadong maraming naka-relate kaya madami din ang nadala at nagpakamatay.. Pero kagaya nga ng sinasabi ng ilan, hindi tamang solusyon ang pagpapakamatay dahil lang sa problema. Ang dapat gawin ay harapin ito at solusyunan!